Wednesday, August 26, 2009
No Work, No PORK!!!
It is sad to know that most of our legislators, who holds the PORK BARREL of their respective districts, don't attend the Congress' Meetings and so the quorum to pass bills and laws can't be met. As a tax-payer, I can't help but to be frustrated that our elected government officials are not doing their jobs. If they are not doing their assignments, what more with regards to the usage of the money? Now I'm wondering, how do they use/spend the allocated budget given to them? Does it go straight to their pockets? Is this the type of leaders we have here in the Philippines? Does this reflect the type of people we have here in the country?
I'm hoping that voters will be wiser in selecting our leaders. Someday, I'm wishing for a better country. A far better Philippines!
http://www.gmanews.tv/video/46784/qtv-house-to-monitor-congressmen39s-attendance
Ang SARAP maging SENADOR
Got this from an email of a friend. Enjoy reading and if you have time, please forward it to your love ones.
GUSTO KONG MAGING SENADOR NG PILIPINAS
ANG SARAP MAGING SENADOR!
Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week.
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago , marami ang tumatak-bong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000suweldonila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budgetang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisinapa lang nila ay humigit-kumulang P500,000ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels)at P500,000para sa Staff at Personal expenses.Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komitesa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din!Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyonna Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon< /B>.Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyonsa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !
PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET THE WHOLE COUNTRY KNOW THAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN POSITION WHO ARE GREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE... ANG MASAKIT PA PERA NG BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG SILA SA PWESTO!!!